Akda ni: Binibining Mia
Kwentong nagsimula sa dalawang taong ilang ulit nais magkalapit subalit pilit na pinaglalayo ng kapalaran .
Ang kanilang pag iibigan ay maihahawig sa isang asymptota na kahit anong pilit na ipagtagpo ang dalawang magkaibang linya ay mauuwi't mauuwi pa rin sa paghihiwalay ng landas palayo sa isa't isa.
Ang kwentong ito ay nagsimula sa babaylang si Sinagtala at isang misyonaryong pareng Espanyol na nagngangalang Franco.Ang kanilang pag iibigay hindi pinapaburan ng sangkatauhan nat ng kapalaran sapagkat silay parehong nakatali na sa paglilingtkod sa maykapal.
Dahil kanilang ipinilit ang kanilang kagustuhan nauwi sila sa kasawian na nagdulot ng kanilang kamatayan. At ng naglaon muli silang nabuhay dala ang pagiging uhaw at pagkagahaman sa muli nilang pagkikita at pag iibigan.
Nabuhay silang muli sa katauhan ni Salome at Fidel.
Si Salome ay isang dilag na nagtataglay ng dugong bughaw at dugong intsik, katangiang tinutugis ng mga espanyol upang buhay ay kitlin sa takot na mabawi muli nitong maagaw ang bansang Pilipinas sa kanilang pamamalkad.
Si Fidel naman ay may dugong kastila at nakatakda ng binyagan upang maging isang lingkod ng simbahan.
Sila muli ay nagkaibigan , subalit ng dahil sa mga hadlang nauwi pa rin sila sa kasawian.
Sila ay nabuhay muli sa katauhan ni Esmeralda at Rolando.
Pawang katulad lang ng kanilang naunang kwento'y naulit muli ang nakaraan sila ay umibig sa isa't isa at nauwi pa rin sa kasawian.
Subalit hindi doon nagtatapos ang kanilang pakikipagsapalaran, pagkat sila'y nabuhay muli sa makabagong henerasyon , bilang si Aleeza at Nathan, bitbit pa rin sa kanilang mga puso ang pagkauhaw sa kanilang muling pagkikita at pag iibigan.
Kaya lang sa pagkakataong ito, maaga nilang nalaman ang pangyayari sa kanilang nakaraan. Nalaman nila ng mas maaga na na kahit anong pilit nila, kahit anong laban ang suungin nila, kahit anong gawin nila, hinding hindi mangyayari na ang tadhana'y magapi nila.
Masakit man sa kanilang damdamin naisip nilang tigilan na ang paulit ulit na katangahan at tuluyan ng bumitaw sa ala ala ng nakaraan.
Naisip nilang pareho na kailanman ay hindi magtatagpo ang kanilang mga linya sapagkat sila ay isang asymptota na hinding hindi magagawang magpang abot at alam na nila iyon mula sa umpisa.
Kaya upang hindi na maulit ang paghihirap at pighating nararamdaman nila, pareho nilang pinakawalan ang isa't isa at nagdesisyong ipagpatuloy ang buhay at makontentong nagkaroon sila ng pagkakataong mabuhay na naranasan ang pag iibigan nila.
Yan ang kwentong hango sa paulit uliut na pagkabuhay(reincarnation) ng dalawang taong magkaibang linya ang tinataglay na pilitin mang maglapit sa huli ay nagkakalayo parin.
Angkwento ng pag iibigang tinaguriang "ASYMPTOTA"
MGA ARAL SA KWENTO:
Upang makamtan ang kapayapaan at kaligayahan marapat lamang na iyong bitawan ang masasakit na alaala ng nakaraan.
Huwag maging gahaman at matutong tanggapin ang mga pangyayaring hindi inaasahn.
Kung ang isang bagay ay talagang hindi para sayo matuto kang bumitaw.Huwag mong hayaang pagharian ka ng lungkot at matuto kang umusad pasulong sapagkat ang mga bagay na naiwan mo na ay sadyang hindi na maibabalik lalo na't sa simula pa lang ito'y hindi mo na pagmamay ari.
MGA TAUHAN:
SINAGTALA-
SALOME-
ESMERALDA-
ALEEZA-
Apat na pangalan dubalit iisang tao lamang... siyang babeng bumihag sa puso ni----
FRANCO-
FIDEL-
ROLANDO-
NATHAN-
Lalaking bumihag ng puso ni sinagtala sa simula pa lang.
TECHNICAL NA ASPETO:
Mga awit na marapat lamang pakinggan upang mas marmdaman ang pighati at bigat ng saloobin ng mga tauhan sa kwento...
Paalam(silent sanctuary)
Pangarap lang kita(parokya ni edgar)
Maghihintay ako(jona)
Pagsuko(jireh lim)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento